Imperyong Byzantine
By: Andrea De los Reyes.
Imperyong Byzantine
Ang Imperyong Byzantine ang silangang Bahagi ng Imperyong Romano. Naitatag
ito nang ilipat ni Constantine ang kabisera ng Imperyong Romano sa
lungsod ng Byzantium noong 330 C.E., at binigyan ito ng bagong pangalan na
Constantinople (kasalukuyang Istanbul, Turkey)
Statue of Constantine
Constantinople
Ang Constantinople ang naging kabisera ng Imperyong Byzantine
Lumago ang Imperyong Byzantine at naging mayaman dahil sa kalakalan. Ito rin ang
naging sentro ng Kristianismo.
LOKASYON NG CONSTANTINOPLE
Makikita ang Constantinople sa Bosporus Strait
Nagkaroon ng kalamangan ang
Imperyong Byzantine upang magtagal ng 1,000
taon pagkaraang bumagsak ng
Rome sa kanluran.
MGA EMPEROR NG BYZANTINE
May 88 na emperor ang namuno sa Imperyong
Byzantine
Kabilang dito si Justinian na namuno mula 537 C.E. hanggang 565 C.E., kasama ang kanyang asawang si
Theodora.
Nagpatayo si Justinian ng:Paaralan
Aqueducts
Ospital
Pampublikong Paliguan
Simbahan
Hagia Sophi
a
Hagia Sophia - isang malaking katedral na naging
simbolo ng Kristiyanismo sa Byzantine…
- Ang Hagia Sophia o Church of the Holy Wisdom ay itinatag sa
Constantinople para kay Justinian noong 530 C.E. Kinakailangan ng 10,000 katao upang magawa ito.
Malaon ito ay naging mosque at sa kasalukuyan, ito ay isang museo.
Justinian Code: -nakabatay sa batas ng mga Romano. Ito ang naging batayan ng mga saligang batas ng maraming bansa
sa kasalukuyan.
Emperor Heracluis
Sa panahon ni Emperor Heracluis noong 600-641 C.E.
ay muling isinaayos ang imperyo at pinaglapit ang Simbahan at pamahalaan.
Naging sentro ang Byzantine ng kaalaman, kultura at
relihiyon. Naging kontrolado ng lungsod ang kalakalan sa
pagitan ng Europe at Asya.
Basil II- Noong 976 C.E., naging emperor si
Basil II. Pinalawak niya ang
imperyo at ginawa itong
mas makapangya
rihan at mayaman. Nakamtan ng imperyo
ang ginuntuang
panahon nito.
Ang pinakamakapangyarihang babae sa Byzantine ay nagmula sa pamilyang mahirap bago siya pinakasalan ni Justinian noong
525 C.E.. Mahusay na ginampanan ni Theodora ang
kanyang tungkulin bilang empress . Nang siya ay
mamatay noong 548 C.E., labis na nalungkot si Justinian, at sa
kasalukuyan, ay walang batas na ipinasa si Justinian sa nalalabing
panahon ng kanyang panunungkulan.
Mga Personalidad
Theodora
Unti unting humina ang Imperyong Byzantine
noong ika-8 siglo. Nang pumanaw si Basil,
nakuha ng mga Turk ang Anatolia at tuluyan nang humina ang imperyo. Ito ay nakuha ng Krusada sa
loob ng 50 taon noong ikaw-13 siglo…
Subalit nabawi rin ito ni Michael VIII noong 1261.
Michael VIII
Ang Imperyong Byzantine ay unti-unting humina dahil sa patuloy na
pagsalakay ng mga Muslim.
Constanine XI
Sa huli, ang lungsod ng Constantinople ay nakuha ng Ottoman Turks sa panahon ng pamumuno ni Constantine XI noong 1453
PAGHAHATI NG SIMBAHANG KRISTIYANO
May mga pagkakaiba ang
Simbahang Kristiyano ng Rome at Byzantine. Isa sa mga kontrobersiya
na pinagdaanan nito ay may
kinalaman sa mga icon o mga bagay na naglalarawan
kay Hesus, Maria, o sa mga santo.
Sa Byzantine, nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng mga
nagnanais na manatili ang mga icon at mga iconoclasts o maninira
ng mga icon.
May mga Emperor sa Byzantine na ipinagbabawal ang paggamit ng mga icon. Ang papa naman sa Rome
ay kumamapi sa mga sumusuporta sa pananatili
ng mga icon.
Ang wikang Latin ang
ginagamit sa kanlurang bahagi ng imperyo
habang ang wikang Griyego
naman ang ginagamit sa
silangang bahagi.
Higit sa lahat, ang papa sa Rome ay
sinasabing pinakamataaas na pinuno ng simbahang
Kristiyano na malaya sa
su=inumang hari o emperor.
Ang patriarch o pinuno ng
Simbahan ng Byzantine ay sinasaklawan
ng kapangyarihan ng emperor ng Byzantine.
Mehmed II making Gennadios
Scholarios Patriarch of Constantinople
20th C Mosaic, Ecumenical Patriarchate,
Istanbul
Hindi rin tanggaap ng mga patriarch na ang mga papa sa Rome ay nakakahigit sa
kanila.Bunga ng kanilang
pagkakaiba, tuluyang naghiwalay ang Simbahan ng Rome at Constantinople
noong 1054
Ang Kanlurang Simbahan ay tinatawag na Roman
Catholic. Ang Catholic ay hango sa wikang Latin na
nangangahulugang “universal”
Ang silangang Simbahan ay tinatawag na Eastern Orthodox. Ang Orthodox
ayhango sa wikang Griyego na nangangahulugang
“correct belief”.
Byzantine
Orthodox
Cross
MGA AMBAG NG IMPERYONG BYZANTINE
Ang Imperyong Byzantine ay nakatulong sa
pangangalaga ng kulturang Griyego at Romano sa
pamamagitan ng pananatili ng kanilang mga
pagtatanghal, tula, ideya, at iba pang mga ambag.
Pinanatili nila ang batas ng Romano sa pamamagitan
ng Justinian Code at sila ang nagpasa nito sa Kanlurang
Europe upang mapakinabangan ng
kasalukuyang mundo. Higit sa lahat pinalaganap nila
ang Kristiyanismo sa Silangang Europe, kabilang dito ang Romania, Bulgaria,
at Bosnia.
THANKS FOR WATCHING!!
Top Related